Scratchtober 2023 ----- Maligayang pagdating sa Scratchtober 2023! Makita ang listahan ng mga prompt dito: https://scratch.mit.edu/projects/890809667/ Ang Scratchtober 2023, na nagmula sa Inktober, ay magbibigay ng isang listahan ng mga random na prompt (mga salita, ideya, tema) na maaari mong gamitin bilang inspirasyon sa mga proyekto sa loob ng dalawang linggo sa buwan ng Oktubre. Mula sa mga prompt na ito, maaari kang gumawa ng mga likhang-sining, laro, animasyon, kuwento, tutorial, o anumang iba pang maisip mo! Halimbawa, kung ang prompt ay "Hardin" maaari kang: - Gumawa ng isang laro na nasa isang hardin kung saan kailangan mong kolektahin ang pagkain at tubig para sa iyong mga halaman at pigilan ang iba't ibang mga nilalang - Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang "hardin"? Isulat ito at gawing interactive! - Gumawa ng isang proyekto na nagbibigay-daan sa iba na magdisenyo ng kanilang sariling hardin - Isulat ang isang kuwento tungkol sa isang batang kalabasa na lumalaki sa isang pumpkin patch - Mayroon ka bang paboritong trick sa paghahalaman? Gumawa ng tutorial upang matulungan ang iba na matuto tungkol dito! - Magdisenyo ng isang bagong uri ng hardin mula sa iyong imahinasyon at dalhin ito sa buhay sa Scratch - Remix ng isang proyekto sa studio na may temang ito at idagdag ang iyong sariling mga ideya! Tandaan, mga mungkahi lamang ito! Malugod kang inaanyayahan na mag-isip ng iyong sariling mga ideya, o kumuha ng inspirasyon mula sa mga proyekto na nasa studio na. Makikita ang listahan ng mga prompt dito: https://scratch.mit.edu/projects/890809667/. Araw-araw, itatampok namin ang isang prompt ngunit maaari mong makita ang listahan ng mga prompt nang maaga, kung gusto mong mag-umpisa ng proyekto nang maaga. Maaari kang sumali isang beses, dalawang beses, o kahit ilang beses mo gusto! Balik ka araw-araw upang makita kung ano ang mga Scratchers ang nililikha ^.^ Ano ang iyong gagawin? - - - Listahan ng mga prompt: Araw 1. Hardin Araw 2. Halimaw Araw 3. Kasiyahan Araw 4. Kaharian ng Panaginip Araw 5. Robot Araw 6. Palaisipan Araw 7. Nakakatakot Araw 8. Magtago Araw 9. Berde Araw 10. Umakyat Araw 11. Magbato Araw 12. Mitolohiya Araw 13. Pagmumuni-muni Araw 14. Beterano Araw 15. Salu-salo
Original Project By: @ScratchCat Translation By: @Lexi-Animations